ETO, ATIN-ATIN LANG, ha? May nakatsikahan kami, super friend ni Willie Revillame. Ang tsika sa amin eh, abangan daw namin ang pagbabalik ni Willie sa Wowowee.
“Hintayin mo, nagbabakasyon lang. Kung hindi August, September ang balik niya, kaya ine-enjoy niya muna ang buhay niya ngayon. Dinadalaw-dalaw lang namin para malibang-libang.
“Saka na-realize na rin niya ang mga pagkakamali niya. Basta, wait mo na lang, okay?”
NAKU, HINDI LANG ‘yon ang nasagap naming tsika. Alam n’yo ba kung ano? Nakarating na raw sa mga co-hosts na mga girls na magbabalik na nga raw si Willie, pero dalawa sa mga babaeng co-host ang nagbaba ng panty, este, ng statement.
Ano’ng statement ito?
“Nag-usap na kaming dalawa ng kasama ko,” sey raw sa aming source, “Na ‘pag bumalik si Kuya, alis na kami. Siguro naman, hindi lang Wowowee ang puwedeng show na pasukan namin, ‘di ba? Nakapag-establish na naman kami ng pangalan kahit konti.”
Hulaan n’yo na kung sino ang dalawang co-hosts na ito na identified na identified talaga sa Wowowee.
Teka nga munit, ba’t naman aalis sila?
“Eh, siyempre, alam namin, galit siya sa amin. Saka nakapagdayalog kami noon tungkol sa pagiging gentleman ni Robin, ‘di ba? I’m sure, hindi niya gusto ‘yon!”
Juice ko, hindi na kami magbibigay pa ng clue. Basta ang mga pangalan nila ay nagsisimula sa capital letter.
HONESTLY, SA TOTOO lang, nakahinang naman nang talaga sa ulo ni Willie Revillame ang Wowowee. Oo, totoong mas malayong ‘di hamak ang karisma ni Willie kesa kay Luis Manzano.
Pero siyempre, sa negosyo namang ito, ‘pag ikaw mismo ang sumagpang sa kamay ng nagpapala sa ‘yo, wala rin namang choice ang negosyante kundi humanap nang hahalili bilang host ng Wowowee.
Pero sabi nga, wala namang gusot na hindi napaplantsa, eh. Kung sa palagay ng ABS-CBN ay panahon nang bigyan ng another chance si Willie, it’s their choice.
And I’m sure, ‘pag naibigay uli kay Willie ‘yan, I hope and I pray na hindi na ito sasayangin ni Willie. Juice ko, ang daming gustong sumagpang sa trabaho niya.
Kaya next time, no more init ng ulo on air. Kung puwede, off the air na lang para hindi sight ng mga utaw on national TV.
Jun 14, 2010
TWEETBIZ
Labels
Ka NOSE to NOSE sa pagbabalita, News on Showbiz and Everything
FEEDJIT Live Traffic Feed
Archives
-
▼
2010
(65)
-
▼
June
(17)
- "Charice, the Female Justine Bieber" -Perez Hilton
- Willie will be back in Wowowee, 2 co-hosts to resi...
- Kapuso aktor nakipagkita sa high profile talent ma...
- DZMM Teleradyo Invades the Middle East, Australia ...
- Vilma, nag-blowout sa Amerika
- Eight PBB Teen Housemates Fight It Out to the Teen...
- Johan Santos shares his blessings!
- Robin, Mariel magsasama sa sitcom
- Cristine humahabol sa no. 1 slot ng 2010 FHM Sexie...
- Jovit is the 1st Pilipinas Got Talent Grand Champion
- Gretchen claims ABS-CBN asked her to hush up on An...
- Marian galit parin sa ABS dahil sa "Psychology"??
- Lopez considers plan to merge BayanTel with broadc...
- Travel Show ang bagong show ni Kris Aquino
- Sukob Na 2010 evokes a sense of nostalgia
- Laughtrip with Vice Ganda
- Zaijan and Piolo topbill "Noah"
-
▼
June
(17)