NADULAS si Kris Aquino nang banggiting travel show ang next show niya sa ABS-CBN at nangyari ito habang naghihintay sa Saturday telecast ng Pilipinas Got Talent. May lumapit lang kay Kris at sinabihan siyang ’wag munang itsika ang bagong show niya kaya ’di nakapagbigay ng ibang details.
Samantala, hindi na natuloy si Kris papunta sa Ormoc kahapon para mag-distribute ng school supplies sa mga taga-Ormoc dahil hectic ang schedule niya, pero isa sa kanyang mga kapatid ang pumunta.
Today, sa Payatas magdi-distribute ng school supplies ang mga kapatid ni Kris na sina Ballsy, Viel at Pinky.
Bukas sa Zamboanga sina Ballsy at Pinky ang pupunta at diretso sila sa Bacolod sa June 17. Sa June 22, si Kris ang pupunta sa Cebu for the same purpose.