ISANG Randy Ortiz gown ang suot ni Kris Aquino last Saturday sa grand finals ng Pilipinas Got Talent sa Araneta Coliseum. Hindi rin naman nagpatalbog ang isa pang judge na si Ai-Ai delas Alas at comment nga ng isang kasamahan sa trabaho, parang ikakasal daw ang Comedy Concert Queen sa kanyang suot.
Halos mapuno ang Araneta Coliseum ng kanya-kanyang fans ng 12 grand finalists. Ilan sa tinilian nang husto ay sina Alakim, Velasco Brothers, Ezra Band, Keith Delleva, Markki Stroem at Jovit Baldovino.
But we’d say, it’s still Jovit who has the most number of supporters dahil talaga namang halos mayanig ang buong Araneta sa pagbubunyi ng kanyang mga fans.
Tama ang mga judges na sina Kris, Ai-Ai at Mr. Freddie Garcia na we have a new superstar sa katauhan ni Jovit dahil sa nakikita naming suporta ng tao sa kanya, feeling namin ay may lalaking Nora Aunor na tayo.
Tama rin si Kris sa pagsasabing may karisma sa masa si Jovit na isa sa pinakaimportanteng factors sa pagsikat ng isang tao.
Samantala, natulala naman ang buong Araneta Coliseum sa ginawang magic act ni Alakim kung saan ay bigla itong nawala sa stage at napunta sa audience sa taas ng Big Dome.
Talaga namang kamangha-mangha ang kanyang ginawa and he really deserves to be known all over the world.
Anyway, last Sunday ang announcement ng winner ng PGT at by the time na binabasa n’yo ang kolum na ito ay tiyak na alam n’yo na kung sino ang kauna-kaunahang PGT grand champion na tatanggap ng P2M.