MUKHANG lalong lalalim kung anumang relasyon mayroon sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

May nagtsika sa amin na balak ng ABS-CBN ma-nagement na pagsamahin ang dalawa sa isang sitcom.

Click daw at enjoy ang mga tao kina Mariel at Robin nu’ng pansamantalang nag-host si Binoe sa Wowowee kaya nagkaroon ng idea ang Kapamilya na gawan sila ng show.

Ayon pa sa tsika, ang title ng sitcom nina Mariel at Bineo ay Palibhasa Si-kat.

Speaking of Wowowee, kahit pa marami ang nagka-clamor na magpalit ito ng format dahil sa pagbaba ng rating ng noontime show ng Dos, nagpasya ang Kapa-milya management na i-extend si Luis Manzano bilang host ng programa.

Acid test na kaya ito kay Luis kung puwede na si-yang pumalit kay Willie Revillame?