KATUWA naman itong si Johan Santos, isa sa top five ng Pinoy Big Brother Double Up.

Imagine, kahit hindi pa kalakasan ang kanyang kinikita nu’ng pasukin ang pag-aartista after ng PBB, isini-share niya ito sa mga batang nangangailangan ng kalinga ng mga magulang.

Nag-birthday si Johan last June 1, pero na-surprise ito nang magbigay ang kanyang fans na taga-TFC for his post-birthday celebrationg kamakailan kasama ang mga batang ulila. Gi-nanap ito sa Holy Trinity Home, Accountancy St., Merry Homes Subd., Sa-uyo, Novaliches, Quezon City. Tuwang-tuwa ang mga bata nang makapiling nila kahit sa konting oras lang ang ex-PBB at aspiring actor. Namigay ng pagkain at toys si Johan sa kapus-pa-lad na mga bata kasama ang fans na ang iba ay galing pa sa ibang bansa.

Sabi tuloy namin kay Johan, sana ay hindi siyang magbabago para mas marami pang blessings ang kanyang matanggapa.

Wish naman ni Johan na magkasunud-sunod ang projects niya sa ABS-CBN. Since ma-feature si Johan sa isang episode ng My Precious Romance na ang kapareha ay si Valerie Concepcion, lalo niyang nagustuhan ang pag-arte.

“Iba pala ang pakiramdam kapag nasa harap ka ng kamera. Ang akala mo napakadali lang umarte, pero kapag andiyan na, kailangan talagang pagbutihin. Saka ang sarap ng feeling kung ang kapareha mo ay isa ding mahusay na ar-tista tulad ni Val,” kuwento ng ex-PBB housemate.

Sa tanong namin kung ba-kit malapit ang puso niya sa mga batang ulila, ani-ya:“Ayaw ko kasing maramdaman nila na tuluyan na silang walang ama. Gus-to kong ipadama sa kanila na may mga nagmamahal pa rin sa kanila kahit hindi nila kadugo. Saka naranasan ko na rin kasi ‘yun sa aking ama noo. Pero nga-yon, okey na naman kami. Lagi na siyang andiyan.”

Gustung-gusto ni Johan na makatulong sa ina at ma-bigyan ito ng magandang bu-hay kaya talagang nagsi-sikap siyang mabuti para matupad ito. Matatandaang ang unang ibinigay niya sa ina ay ang house and lot nang manalo siya sa task na ibinigay ni Big Brother sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Nagpapasalamat nga ako kay Jason (Francisco) kasi nag-give way para mapanalunan ko ang bahay. Tuwang-tuwa nga ang mother ko, eh,” say ni Johan.

May commercials na ring ginagawa si Johan.