Natuloy na rin kahapon ang naudlot na meeting sa pagitan ng kontrobersyal na host ng Wowowee na si Willie Revillame at ng CEO ng ABS na si Mr. Gabby Lopez.
Subalit sa Miyerkulas pa malalaman ang opisyal na desisyon kung "stay" or "go" na ito sa ABS-CBN.
Bandang alas-singko ng hapon ang schedule ng meeting. Nung una'y between Gabby at Willie lang ang pag-uusap pero ipinasam ang ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio.
Ayon sa isang source, humingi ng tawad si Willie at
tinanggap ito ng Management ng ABS. Ang napagkasunduan ay hihingi ng tawad si Willie sa Management ng Dos on-air at malamang hindi ito gawin sa studio ng Wowowee kung saan hinamon ni Willie ang management na tsugiin si Jobert Sucaldito or else siya ay magreresign.
Sa ibang venue raw ilalabas ang public apology, maaaring sa newscast na TV Patrol World, maaari ring hindi. Hindi raw sa Wowowee gagawin ang paghingi ng tawad dahil ito’y venue raw ng pagpapasaya sa mga tao.
Marami ang nag-abang sa kinahinatnan ng pag-uusap nina Gabby at Willie, lalo pa nga’t hanggang Biyernes na lang ang guest host na si Robin Padilla sa Wowowee.
Kung si Robin ang tatanungin, mabigat daw ang loob niyang iwan ang programa, pero kailangan niyang balikan ang mga naiwang trabaho gaya ng pelikula.
Nag-wish pa nga ito na mapagbati sina Willie at Jobert bago man lang niya iwan ang Wowowee.
Pero nang makausap namin si Jobert kahapon, sinabi nitong although naa-appreciate niya ang wish at kabaitan ni Robin, hindi raw niya feel ang plinanong pagbabati. Mas type raw ni Jobert na magkaayos sila ni Willie sa tamang panahon.