Punung-puno ang Araneta Coliseum kahapon ng gabi para sa kauna-unahang concert ng stand-up comedian na si Vice Ganda. Hindi pa lumalabas ang Showtime judge kaya excited at tili nang tili ang mga tao.

Eksaktong alas-nuwebe, nagsimula ang show ni Vice Ganda. Isang AVP ng mga supermodels ang una munang ipinakita. Naghiyawan ang mga tao nung sa huli ay picture ni Vice Ganda ang ipinakita.

Ang opening number niya: Bumaba siya mula sa taas na poised na nakaupo, at ang bati niya niyang kanta ay "Vogue!:



Vice Ganda: Ni sa panaginip, di ko naisip na sasabihin ko ang mga salitang "Good evening, Araneta!"






Sa concert ni Vice Ganda, habang kumakanta ito ng A Very Special Love, biglang lumitaw si John Lloyd Cruz, na literal lang daw dumaan para ibigay ang bulaklak. Ang tili ni Vice: Ang ganda ko!