Maganda ang feedback sa mga “teenternational” housemates ng “Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.”

Maski mula sa iba-ibang lahi, ang mga non-Filipino citizen na bisita ni Kuya ay nagkakasundo sa apartment at nagsisikap magkaintindihan. Malaking bagay na karamihan sa kanila ay marunong nang managalog, o makaintindi ng tagalog tulad nina Bret, Carson, April, at Jack.

Kung nagkakasundo sila sa Apartment, makasundo naman kaya nila ang mga Pinoy Housemates sa Villa? Ano kaya ang magiging reaksyon nila pagsinabi na ni Kuya ang "clash" na inihanda niyang babago sa magiging proseso sa Big Night. 

Para mas makilala ang mga teenternational and Pinoy Housemates, samahan si Mariel Rodriguez sa “PBB Teen Clash of 2010 Uber,” si Toni Gonzaga sa “PBB Teen Clash of 2010” pagkatapos ng “Habang May Buhay,” at si Bianca Gonzalez sa mga “PBB Updates.”

Para sa latest news tungkol sa housemates, sundan si CLASHADVISER sa Twitter, makisali sa official fanpage sa www.facebook.com/pbbteenclash2010, at sundan din ang abscbndotcom sa Twitter. Bisitahin ang http://teamkapamilya.multiply.com para sa balita sa Kapamilya stars at programs.


 ANNLI-Diligent Daughter of Taiwan

see more...
 APRIL-Cantonese Hottieng Hongkong

 BRET-Indie Singer ng USA
 CARSON-Loving Lad of Canada
 JACK-Resort Prince ng Korea
JAMES-Dashing Dude of Australia
JENNY-Sassy Smart Girl of Korea
RICHARD-Romantic Achiever ng Korea
RYAN-Simpatikong Leader ng Korea


[source: Starmometer.com]