Agad na tinanong ng PEP si Zoren kung nag-transfer na ba talaga siya ng network. Bahagi na kasi siya ng kasalukuyang humahataw sa ratings na Agua Bendita. Naging parte ng cast ng GMA-7 shows na Kamandag (2007), Gagambino (2008), All My Life (2009), at Sana Ngayong Pasko (2009) si Zoren.


"For the longest time, ang tagal kong di nakagawa sa ABS [CBN]. I guess it's about time para magkaro'n ng change sa career ko," pauna muna ng aktor.

Pero nilinaw ni Zoren na wala pa siyang pinipirmahan na eksklusibong kontrata sa ABS-CBN. Para sa Agua Bendita lang daw ang pag-appear niya sa Kapamilya station.

"You know, may pros and cons ang having a contract, may pros and cons din naman ang walang contract. Pero ako, happy ako sa walang contract."

Matagal muna bago nakasagot si Zoren nang tanungin kung sa pag-ober da bakod ba niya sa Kapamilya ay susunod din ba sa kanya si Carmina.

"Ano kasi, e... Well, talagang...home studio niya ang Channel 2. Doon siya lumaki. But she has a contract under GMA, two years. Sa ngayon, happy rin naman siya doon," sagot ni Zoren.

HIS WORK IN AGUA BENDITA. Ano naman ang masasabi niya sa magandang pagtanggap ng TV audience sa Agua Bendita, kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Luisito?

"Malakas talaga siya, you know. Every time I go out, they [viewers of  Agua] say my name, 'tapos tinatanong nila kung ano ang mangyayari sa show. At ano, e, kung makikita n'yo kung paano naman pinaghihirapan yung show, I guess it's a well-deserved show para mag-rate siya ng maganda. Dahil lahat ng tao dun, talagang halos hindi na natutulog para lang mapaganda ang Agua Bendita," sabi ni Zoren.

Hanggang sa pagtatapos ba ng serye ay kasama na siya o mawawala rin siya kalaunan?

"As far as I know, hanggang huli ako," sagot niya.

Hindi rin daw bothered si Zoren sa obserbasyon ng iba na nagiging negatibo na ang dating ng karakter niya sa show.

"Hindi naman. Pero kung mapapansin n'yo sa show, halos wala ngang kontrabida, e. Yung mother ni Vina [Morales, gumaganap bilang Mercedes, at si Pilar Pilapil naman ang gumaganap na ina nito], overprotective lang siya sa anak niya, kaya niya nagagawa yung mga ganung bagay, which nangyayari naman sa totoong buhay.

"Ako naman, sa case ni Luisito, mahal niya talaga yung babae, so ipinaglalaban niya yung parang karapatan niya. Pero so far, wala pa namang nagagalit [na viewers ng show] sa akin," patuloy pa ng ama ng kambal na sina Cassy at Mavy.


[source: PEP.ph]