MALA-GLEE ang bagong show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN, kaya mali ang tsikang pagkatapos mag-alsa-balutan nina Mark Bautista at Rachelle Ann Go sa Kapamilya network ay
ang sikat na singer/young actress naman ang ililipat ng Viva Artist Management Agency sa GMA 7.
Mananatiling Kapamilya si Sarah with her new series.
Nilinaw ng isang malapit kay Sarah na inspired ng Glee ang bago niyang show sa Dos at baka may mang-intrigang nanggagaya sila sa kantaseryeng Diva ni Regine Velasquez.
Happy ang fans ni Sarah sa bago niyang show sa Dos. At least daw, bukod sa pelikulang Because You Love Me (dating Hating Kapatid) at pag-eendorso niya kina presidentiable Manny Villar at vice-presidentiable Loren Legarda, may ibang puwedeng pag-usapan sa dalaga.
Hindi pabor ang karamihan sa kanyang fans na masyadong nada-drag ang pangalan ni Sarah sa isyu kay Rayver Cruz.
Hindi nila type ang tsikang kaya ginupit ni Sarah ang sariling buhok ay dahil sa depression sa ginawa diumano ng tatay ng singer/young actress kay Rayver.
Naloka ako sa balitang nakarating sa akin na kaya hindi type nina Mommy Divine at Daddy Delfin ang panliligaw ni Rayver sa kanilang anak ay dahil nadiskubre nilang nililigawan din daw ng binata si Cristine Reyes.
My gosh, may gano’n?!